Saturday, January 22, 2011

Likas Yaman Ng Mindanao


Ang likas na yaman (tinutukoy sa ekonomika bilang yamang lupa, lupain o hilaw na materyal) ay likas na nagkakaroon sa loob ng mga kapaligiran na hindi gaanong ginagambala ng tao, sa isang likas na anyo. Kasalasang binibigyan ng katangian ang likas na yaman sa laki ng kaibahan ng biyolohika na mayroon sa iba't ibang mga ekosistema.
Ang lupain ng Pilipinas ay mataba kahit na ito's mabundok. Ang mga hanay ng bundok ay may makakapal na kagubatan na pumipigil sa baha at pagguho ng mga lupa. Mayroon din itong malalawak na kapatagan. Ang pinakamalawak ay iyong nasa kalagitnaang kapatagan ng Luzon at ang kapatagan sa Mindanao. Naniniwala ang mga siyentipiko na kung makabagogng paraan ng pagtatanim ang gagamitin sa mga kapatagang ito, makakasapat ang ani para sa pangangailangan ng bansa. Ang ating bansa ay mayroon ding malalawak at masasaganang lambak, tulad ng Lambak ng Cagayan. Mayroon din itong masasaganang talampas na matatagpuan sa Bukidnon. Maraming burol ang matatagpuan sa iba't ibang panig ng kapuluan. Ang mabababang bundok na matatagpuan sa mga gilid ng pulo ay nagsisilbing lupa para sa pagpapastol. Ang Bundok Apo sa Mindanao ay may pinakamatas na taluktok samantalang ang Bulkang Taal sa Batangas ang may pinakamababa.
Ang Mindanao ay kilala bilang “Ang Pangakong Lupain” (“Land of the Promise”). Ito ay ang pangalawang pinakamalaking kapuluan sa Pilipinas. Ang bawat rehiyon ay may kani-kanyang mga likas yaman na matatagpuan. Ang Mindanao ay isang may pinakamalaking sukat ng kagubatan at may pinakamaraming bilang ng mga puno. Sumusunod sa Mindanao ang Luzon at sumusunod naman ang Bisaya at Palawan sa Luzon.


Mga Larawan:
  A Likas Yaman
Maraming mga minahan na matatagpuan sa Mindanao. Ang mga likas yamang matatagpuan dito ay ginto, tanso at bakal.  At dahil sa mga likas yaman dito, isa sa mga pangunahing hanapbuhay sa rehiyon ay ang pagmimina.
Ang Maria Cristina Falls ay isa sa mga kilalang magagandang tanawin na matatagpuan sa dulo ng Agus River. Ito ay bantog dahil sa kanyang kagandahan na may taas na 320 talampakan. It rin ay ang pangunahing pinagkukunan ng kuryente para sa iba’t ibang industriya sa Iligan, sa pamamagitan ng Agus VI Hydroelectric Plant.




B.   Yamang Tao

                                                     

Ang mga Tausog ay mga katutubo na matatagpuan sa malaking bahagi ng Sulo. Ang mga Tausug ay matapat na sumusunod sa mga nakasaad sa Quran Ibibliya ng mga Muslim). Tumatawag sila ng “mangungubat” kapag sila ay may karamdaman at pawang mga katas ng mga dahon ang kanilang ginagamit sa panggagamot. Mayroon din silang kaalaman sa paggawa ng mga bolo, kalis at barong; ang tawag sa kanila ay “mananasal”.

    Ang larawan na ito ay isang Tausog na tumutogtog ng kulintangan.


                                                        

Ang mga Tausog ay mayroon ding gawi ng pag-aaral ng paggabang, ang pag-awit saliw sa tugtog ng kulintangan, ng tata gabbang, ang pagtugtog ng kulintangan lamang (solo musical instruments) at ng tata biyula, ang pag-awit nang walang kasaliw (vocal solo). Ito ay karaniwang pinatutugtog tuwing may kasalan at iba pang mga seremonya na ginagamitan kasabay ang gong. Ito ay binubuo ng 8-9 na maliit na tansong gongs. Bawat isa ay may kakaibang tunog na naibibigay. Ito ay pinatutunog sa pamamagitan ng isang kahoy na ipinupukpok dito.

References:
http://www.seasite.niu.edu/Tagalog/modules_in_Tagalog/heograpiya.htm
http://en.wikipedia.org/wiki/Mindanao
http://philippinetravelspots.com/davao-city/
http://en.wikipedia.org/wiki/File:MariaCristinaFallsJuly2006.jpg
http://www.elaput.com/muscmind.htm
http://litera1no4.tripod.com/tausug_frame.html
http://www.royalsulu.com/history.html



No comments:

Post a Comment